12at ikabit ito sa tirante ng efod bilang mga alaalang bato nila para sa mga lahi ng Israel. Sa pamamagitan nito, palaging madadala ni Aaron ang pangalan nila sa presensya ko, at aalalahanin ko sila.
13Ang balangkas na ginto ay
14palagyan mo ng dalawang mala-kuwintas na tali na purong ginto upang maikabit sa may balikat ng damit.
15“Magpagawa ka ng pektoral na ginagamit sa pag-alam ng kalooban ng Panginoon. Kailangang maganda ang pagkakagawa nito, at ang tela nitoʼy katulad ng tela ng efod: hinabing pinong lino na may lanang ginto, asul, kulay ube at pula.
16Ang bulsa na nasa dibdib ay dapat nakatupi nang doble at parisukat – siyam na pulgada ang haba at siyam na pulgada rin ang lapad.