14palagyan mo ng dalawang mala-kuwintas na tali na purong ginto upang maikabit sa may balikat ng damit.
15“Magpagawa ka ng pektoral na ginagamit sa pag-alam ng kalooban ng Panginoon. Kailangang maganda ang pagkakagawa nito, at ang tela nitoʼy katulad ng tela ng efod: hinabing pinong lino na may lanang ginto, asul, kulay ube at pula.
16Ang bulsa na nasa dibdib ay dapat nakatupi nang doble at parisukat – siyam na pulgada ang haba at siyam na pulgada rin ang lapad.
17Palagyan ito ng apat na hanay ng mga mamahaling bato. Sa unang hanay, ilalagay ang rubi, topaz at beril;
18sa ikalawang hanay, esmeralda, safiro at turkois;