18sa ikalawang hanay, esmeralda, safiro at turkois;
19sa ikatlong hanay, hasinto, agata at ametista,
20at sa ikaapat na hanay, krisolito, onise at haspe. Ilagay ang mga bato sa balangkas na ginto.
21Dapat ang bawat bato ay may pangalan ng isa sa mga anak na lalaki ni Jacob bilang kinatawan sa labindalawang lahi ng Israel. Ang pagkakaukit ng pangalan ay gaya ng pagkakaukit sa pantatak.
22“Palagyan din ng mala-kuwintas na tali na purong ginto ang pektoral.