23Magpagawa ka ng dalawang parang singsing na ginto at ikabit ito sa ibabaw ng dalawang sulok ng pektoral.
24Isuot sa parang singsing na ito na nasa dalawang sulok ng pektoral ang dalawang mala-kuwintas na taling ginto,
25at ang dalawang dulo naman ng mala-kuwintas na tali ay isinuot sa dalawang balangkas na ginto na nakakabit sa tirante ng efod.
26Magpagawa ka ng dalawang parang singsing na ginto at ipasok ito sa ilalim ng mga gilid ng pektoral na nakapatong sa efod.
27Magpagawa ka pa ng dalawang parang singsing na ginto at ikabit mo ito sa efod sa may bandang sinturon.