25at ang dalawang dulo naman ng mala-kuwintas na tali ay isinuot sa dalawang balangkas na ginto na nakakabit sa tirante ng efod.
26Magpagawa ka ng dalawang parang singsing na ginto at ipasok ito sa ilalim ng mga gilid ng pektoral na nakapatong sa efod.
27Magpagawa ka pa ng dalawang parang singsing na ginto at ikabit mo ito sa efod sa may bandang sinturon.
28Pagkatapos, talian ninyo ng asul na panali ang mga pang-ilalim na parang singsing na ginto sa efod. Sa pamamagitan nito, maikakabit nang maayos ang pektoral sa efod, sa itaas ng sinturon.
29“Kung papasok si Aaron sa Banal na Lugar, kailangang suot niya ang pektoral sa dibdib na may pangalan ng mga lahi ng Israel upang alalahanin ko silang palagi.