Exodus 28

“Kung papasok si Aaron sa Banal na Lugar, kailangang suot niya ang pektoral sa dibdib na may pangalan ng mga lahi ng Israel upang alalahanin ko silang palagi.

Exodus 28:29 (UKJV) And Aaron shall bear the names of the children of Israel in the breastplate of judgment upon his heart, when he goes in unto the holy place, for a memorial before the LORD continually.

27Magpagawa ka pa ng dalawang parang singsing na ginto at ikabit mo ito sa efod sa may bandang sinturon.

28Pagkatapos, talian ninyo ng asul na panali ang mga pang-ilalim na parang singsing na ginto sa efod. Sa pamamagitan nito, maikakabit nang maayos ang pektoral sa efod, sa itaas ng sinturon.

29“Kung papasok si Aaron sa Banal na Lugar, kailangang suot niya ang pektoral sa dibdib na may pangalan ng mga lahi ng Israel upang alalahanin ko silang palagi.

30Ilagay sa pektoral ang Urim at Tumim upang naroon ito sa bulsa ni Aaron kapag pupunta siya sa aking presensya upang malaman ang kalooban ko para sa mga Israelita.

31“Ang damit-panlabas na napapatungan ng efod ay kailangang purong asul

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.