Exodus 28

Sabihin mo sa lahat ng mahuhusay na mananahi na binigyan ko ng kakayahang manahi na itahi nila ng damit si Aaron na magbubukod sa kanya sa mga tao upang makapaglingkod siya sa akin bilang pari.

Exodus 28:3 (UKJV) And you shall speak unto all that are wise hearted, whom I have filled with the spirit of wisdom, that they may make Aaron's garments to consecrate him, that he may minister unto me in the priest's office.

1“Ibukod mo sa mga tao si Aaron at ang mga anak niyang lalaki na sina Nadab, Abihu, Eleazar at Itamar upang makapaglingkod sila sa akin bilang mga pari.

2Magpatahi ka ng banal na damit para sa kapatid mong si Aaron, upang maparangalan siya.

3Sabihin mo sa lahat ng mahuhusay na mananahi na binigyan ko ng kakayahang manahi na itahi nila ng damit si Aaron na magbubukod sa kanya sa mga tao upang makapaglingkod siya sa akin bilang pari.

4Ito ang mga damit na tatahiin nila: ang pektoral, ang efod, ang damit-panlabas, ang damit-panloob na binurdahan, ang turban at ang sinturon. Itatahi rin nila ng banal na mga damit ang mga anak na lalaki ni Aaron upang makapaglingkod sila sa akin bilang mga pari.

5Gagamit sila ng lanang ginto, asul, ube at pula, at pinong lino.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.