Exodus 28

Ito ang mga damit na tatahiin nila: ang pektoral, ang efod, ang damit-panlabas, ang damit-panloob na binurdahan, ang turban at ang sinturon. Itatahi rin nila ng banal na mga damit ang mga anak na lalaki ni Aaron upang makapaglingkod sila sa akin bilang mga pari.

Exodus 28:4 (UKJV) And these are the garments which they shall make; a breastplate, and an ephod, and a robe, and a broidered coat, a turban, and a girdle: and they shall make holy garments for Aaron your brother, and his sons, that he may minister unto me in the priest's office.

2Magpatahi ka ng banal na damit para sa kapatid mong si Aaron, upang maparangalan siya.

3Sabihin mo sa lahat ng mahuhusay na mananahi na binigyan ko ng kakayahang manahi na itahi nila ng damit si Aaron na magbubukod sa kanya sa mga tao upang makapaglingkod siya sa akin bilang pari.

4Ito ang mga damit na tatahiin nila: ang pektoral, ang efod, ang damit-panlabas, ang damit-panloob na binurdahan, ang turban at ang sinturon. Itatahi rin nila ng banal na mga damit ang mga anak na lalaki ni Aaron upang makapaglingkod sila sa akin bilang mga pari.

5Gagamit sila ng lanang ginto, asul, ube at pula, at pinong lino.

6“Gagawin nila ang efod gamit ang lanang ginto, asul, kulay ube at pula, at hinabing pinong lino. At paburdahan mo ito sa mahuhusay na mambuburda.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.