4Ito ang mga damit na tatahiin nila: ang pektoral, ang efod, ang damit-panlabas, ang damit-panloob na binurdahan, ang turban at ang sinturon. Itatahi rin nila ng banal na mga damit ang mga anak na lalaki ni Aaron upang makapaglingkod sila sa akin bilang mga pari.
5Gagamit sila ng lanang ginto, asul, ube at pula, at pinong lino.
6“Gagawin nila ang efod gamit ang lanang ginto, asul, kulay ube at pula, at hinabing pinong lino. At paburdahan mo ito sa mahuhusay na mambuburda.
7May dalawang parte ito, likod at harapan, at pinagdudugtong ng dalawang tirante sa may balikat.
8Ang sinturon nito ay gawa sa hinabing pinong lino na binurdahan ng gintong sinulid at lanang kulay asul, ube at pula.