5Gagamit sila ng lanang ginto, asul, ube at pula, at pinong lino.
6“Gagawin nila ang efod gamit ang lanang ginto, asul, kulay ube at pula, at hinabing pinong lino. At paburdahan mo ito sa mahuhusay na mambuburda.
7May dalawang parte ito, likod at harapan, at pinagdudugtong ng dalawang tirante sa may balikat.
8Ang sinturon nito ay gawa sa hinabing pinong lino na binurdahan ng gintong sinulid at lanang kulay asul, ube at pula.
9“Magpakuha ka ng dalawang batong onise at iukit mo rito ang mga pangalan ng mga anak na lalaki ni Jacob.