Exodus 29

“Dalhin mo ang batang toro sa harap ng Tabernakulo, at ipapatong ni Aaron at ng mga anak niya ang kamay nila sa ulo nito.

Exodus 29:10 (UKJV) And you shall cause a bullock to be brought before the tabernacle of the congregation: and Aaron and his sons shall put their hands upon the head of the bullock.

8Palapitin mo ang mga anak niyang lalaki at pagsuotin sila ng damit-panloob.

9Itali mo ang mga sinturon sa baywang nila at ilagay ang mga turban sa ulo nila. Magiging kanila ang pagkapari at itoʼy tuntuning panghabang-panahon. “Sa pamamagitan nito, ordinahan mo si Aaron at ang mga anak niya.

10“Dalhin mo ang batang toro sa harap ng Tabernakulo, at ipapatong ni Aaron at ng mga anak niya ang kamay nila sa ulo nito.

11Pagkatapos, katayin mo ang toro sa harapan ng Panginoon, sa may pintuan ng Tabernakulo.

12Kumuha ka ng dugo nito at ipahid sa mga sungay ng altar, at ibuhos mo sa ilalim ng altar ang matitirang dugo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.