Exodus 29

Kumuha ka ng dugo nito at ipahid sa mga sungay ng altar, at ibuhos mo sa ilalim ng altar ang matitirang dugo.

Exodus 29:12 (UKJV) And you shall take of the blood of the bullock, and put it upon the horns of the altar with your finger, and pour all the blood beside the bottom of the altar.

10“Dalhin mo ang batang toro sa harap ng Tabernakulo, at ipapatong ni Aaron at ng mga anak niya ang kamay nila sa ulo nito.

11Pagkatapos, katayin mo ang toro sa harapan ng Panginoon, sa may pintuan ng Tabernakulo.

12Kumuha ka ng dugo nito at ipahid sa mga sungay ng altar, at ibuhos mo sa ilalim ng altar ang matitirang dugo.

13Pagkatapos, kunin mo ang lahat ng taba ng lamang-loob, ang taba ng atay, ang dalawang bato pati ang mga taba nito, at sunugin ito sa altar.

14Ngunit ang karne, balat at laman ng bituka nito ay dapat mong sunugin sa labas ng kampo bilang handog para sa kasalanan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.