Exodus 29

Sunugin mo itong lahat sa altar bilang handog na sinusunog para sa akin bilang nakalulugod na samyo, isang handog na pagkaing inaalay sa Panginoon.

Exodus 29:18 (UKJV) And you shall burn the whole ram upon the altar: it is a burnt offering unto the LORD: it is a sweet savour, an offering made by fire unto the LORD.

16Katayin ito, at iwisik ang dugo sa palibot ng altar.

17Hiwa-hiwain mo ang tupa at hugasan ang mga lamang loob at paa, ipunin mo ito pati ang ulo at ang iba pang parte ng hayop.

18Sunugin mo itong lahat sa altar bilang handog na sinusunog para sa akin bilang nakalulugod na samyo, isang handog na pagkaing inaalay sa Panginoon.

19“Pagkatapos, kunin mo ang isa pang lalaking tupa, at ipatong ang mga kamay ni Aaron at ng mga anak niya sa ulo ng tupa.

20Katayin ninyo ito at kumuha ka ng dugo, at ipahid sa ibabang bahagi ng kanang tainga ni Aaron at ng mga anak niya, at sa mga kanang hinlalaki ng kanilang kamay at paa. Pagkatapos, iwiwisik ang natirang dugo sa palibot ng altar.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.