14Ngunit ang karne, balat at laman ng bituka nito ay dapat mong sunugin sa labas ng kampo bilang handog para sa kasalanan.
15“Pagkatapos, kunin mo ang isa sa lalaking tupa at ipatong mo ang mga kamay ni Aaron at ng mga anak niya sa ulo ng tupa.
16Katayin ito, at iwisik ang dugo sa palibot ng altar.
17Hiwa-hiwain mo ang tupa at hugasan ang mga lamang loob at paa, ipunin mo ito pati ang ulo at ang iba pang parte ng hayop.
18Sunugin mo itong lahat sa altar bilang handog na sinusunog para sa akin bilang nakalulugod na samyo, isang handog na pagkaing inaalay sa Panginoon.