13Pagkatapos, kunin mo ang lahat ng taba ng lamang-loob, ang taba ng atay, ang dalawang bato pati ang mga taba nito, at sunugin ito sa altar.
14Ngunit ang karne, balat at laman ng bituka nito ay dapat mong sunugin sa labas ng kampo bilang handog para sa kasalanan.
15“Pagkatapos, kunin mo ang isa sa lalaking tupa at ipatong mo ang mga kamay ni Aaron at ng mga anak niya sa ulo ng tupa.
16Katayin ito, at iwisik ang dugo sa palibot ng altar.
17Hiwa-hiwain mo ang tupa at hugasan ang mga lamang loob at paa, ipunin mo ito pati ang ulo at ang iba pang parte ng hayop.