31“Kunin mo ang tupa na inialay sa pag-ordina at lutuin ang karne nito sa isang banal na lugar.
32Kakainin ito ni Aaron at ng mga anak niya, kasama ang tinapay sa basket, doon sa pintuan ng Tabernakulo.
33Sila lang ang makakakain ng karneng ito at tinapay na inihandog para sa kapatawaran ng mga kasalanan nila nang inordinahan at itinalaga sila. Walang ibang maaaring kumain nito dahil banal ang pagkaing ito.
34Kung may matirang pagkain, sa kinaumagahan dapat itong sunugin. Hindi ito dapat kainin, dahil itoʼy banal.
35“Sundin mo ang iniuutos kong ito sa iyo tungkol sa pag-ordina kay Aaron at sa mga anak niyang lalaki. Ang seremonya ng pag-ordina ay gagawin nang pitong araw.