2Kumuha ka rin ng magandang klaseng harina at magluto ka ng tinapay na walang pampaalsa. Makapal na tinapay na hinaluan ng langis ang lutuin mo, at manipis na tinapay na pinahiran ng langis.
3Pagkatapos, ilagay mo ang mga tinapay sa basket at ihandog sa akin kasama ang batang toro at dalawang lalaking tupa.
4Dadalhin mo sa may pintuan ng Tabernakulo si Aaron at ang mga anak niyang lalaki, at gawin mo ang sinabi kong seremonya ng paghuhugas para maituring silang malinis.
5Pagkatapos, ipasuot mo kay Aaron ang damit-panloob, ang damit-panlabas, ang efod, at ang pektoral. Itali mo nang mabuti ang efod gamit ang hinabing sinturon na maganda ang pagkakagawa.
6Ipasuot mo sa ulo niya ang turban, at ikabit sa harapan ng turban ang banal na korona.