Exodus 29

Pagkatapos, ipasuot mo kay Aaron ang damit-panloob, ang damit-panlabas, ang efod, at ang pektoral. Itali mo nang mabuti ang efod gamit ang hinabing sinturon na maganda ang pagkakagawa.

Exodus 29:5 (UKJV) And you shall take the garments, and put upon Aaron the coat, and the robe of the ephod, and the ephod, and the breastplate, and gird him with the curious girdle of the ephod:

3Pagkatapos, ilagay mo ang mga tinapay sa basket at ihandog sa akin kasama ang batang toro at dalawang lalaking tupa.

4Dadalhin mo sa may pintuan ng Tabernakulo si Aaron at ang mga anak niyang lalaki, at gawin mo ang sinabi kong seremonya ng paghuhugas para maituring silang malinis.

5Pagkatapos, ipasuot mo kay Aaron ang damit-panloob, ang damit-panlabas, ang efod, at ang pektoral. Itali mo nang mabuti ang efod gamit ang hinabing sinturon na maganda ang pagkakagawa.

6Ipasuot mo sa ulo niya ang turban, at ikabit sa harapan ng turban ang banal na korona.

7Kunin mo rin ang langis at ibuhos ito sa ulo ni Aaron sa pagtatalaga sa kanya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.