5Pagkatapos, ipasuot mo kay Aaron ang damit-panloob, ang damit-panlabas, ang efod, at ang pektoral. Itali mo nang mabuti ang efod gamit ang hinabing sinturon na maganda ang pagkakagawa.
6Ipasuot mo sa ulo niya ang turban, at ikabit sa harapan ng turban ang banal na korona.
7Kunin mo rin ang langis at ibuhos ito sa ulo ni Aaron sa pagtatalaga sa kanya.
8Palapitin mo ang mga anak niyang lalaki at pagsuotin sila ng damit-panloob.
9Itali mo ang mga sinturon sa baywang nila at ilagay ang mga turban sa ulo nila. Magiging kanila ang pagkapari at itoʼy tuntuning panghabang-panahon. “Sa pamamagitan nito, ordinahan mo si Aaron at ang mga anak niya.