1Isang araw, inaalagaan ni Moises ang kawan ng biyenan niyang si Jetro na pari ng Midian. Dinala niya ang kawang ito sa malayong bahagi ng ilang at nakarating siya sa Horeb, ang bundok ng Diyos.
2Nagpakita sa kanya roon ang anghel ng Panginoon sa anyo ng naglalagablab na apoy sa isang mababang punongkahoy. Nakita ni Moises na naglalagablab ang punongkahoy pero hindi naman nasusunog.
3Sinabi niya, “Nakapagtataka! Bakit kaya hindi iyon nasusunog? Malapitan nga at nang makita ko.”