Exodus 3

Sinabi ng Diyos, “Sasamahan kita, at ito ang tanda na ako ang nagpadala sa iyo: Kapag nailabas mo na ang mga Israelita sa Ehipto, sasambahin ninyo ako sa bundok na ito.”

Exodus 3:12 (UKJV) And he said, Certainly I will be with you; and this shall be a token unto you, that I have sent you: When you have brought forth the people out of Egypt, all of you shall serve God upon this mountain.

10Kaya ipapadala kita sa Faraon upang palayain ang aking mga mamamayang Israelita sa Ehipto.”

11Ngunit sinabi ni Moises sa Diyos, “Sino po ba ako upang pumunta sa Faraon at ilabas ang mga Israelita mula sa Ehipto?”

12Sinabi ng Diyos, “Sasamahan kita, at ito ang tanda na ako ang nagpadala sa iyo: Kapag nailabas mo na ang mga Israelita sa Ehipto, sasambahin ninyo ako sa bundok na ito.”

13Sinabi ni Moises sa Diyos, “Kung sakali pong pumunta ako ngayon sa mga Israelita at sabihin ko sa kanila na ang Diyos ng kanilang mga ninuno ang nagpadala sa akin upang iligtas sila, at magtanong sila sa akin, ‘Ano ang pangalan niya?’ Ano po ang isasagot ko sa kanila?”

14Sumagot ang Diyos kay Moises, “Ako ay Ako. Ito ang isagot mo sa kanila: ‘Ako ay Ako ang nagpadala sa akin.’ ”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.