11Ngunit sinabi ni Moises sa Diyos, “Sino po ba ako upang pumunta sa Faraon at ilabas ang mga Israelita mula sa Ehipto?”
12Sinabi ng Diyos, “Sasamahan kita, at ito ang tanda na ako ang nagpadala sa iyo: Kapag nailabas mo na ang mga Israelita sa Ehipto, sasambahin ninyo ako sa bundok na ito.”
13Sinabi ni Moises sa Diyos, “Kung sakali pong pumunta ako ngayon sa mga Israelita at sabihin ko sa kanila na ang Diyos ng kanilang mga ninuno ang nagpadala sa akin upang iligtas sila, at magtanong sila sa akin, ‘Ano ang pangalan niya?’ Ano po ang isasagot ko sa kanila?”
14Sumagot ang Diyos kay Moises, “Ako ay Ako. Ito ang isagot mo sa kanila: ‘Ako ay Ako ang nagpadala sa akin.’ ”
15Sinabi pa ng Diyos kay Moises, “Sabihin mo ito sa mga Israelita: ‘Ang Panginoon, ang Diyos ng inyong mga ninuno na sina Abraham, Isaac, at Jacob, ang nagpadala sa akin sa inyo.’ Ito ang aking pangalang magpakailanman na itatawag sa akin ng lahat ng mga salinlahi.