Exodus 3

Sinabi pa ng Diyos kay Moises, “Sabihin mo ito sa mga Israelita: ‘Ang Panginoon, ang Diyos ng inyong mga ninuno na sina Abraham, Isaac, at Jacob, ang nagpadala sa akin sa inyo.’ Ito ang aking pangalang magpakailanman na itatawag sa akin ng lahat ng mga salinlahi.

Exodus 3:15 (UKJV) And God said moreover unto Moses, Thus shall you say unto the children of Israel, the LORD God of your fathers, the God of Abraham, the God of Isaac, and the God of Jacob, has sent me unto you: this is my name for ever, and this is my memorial unto all generations.

13Sinabi ni Moises sa Diyos, “Kung sakali pong pumunta ako ngayon sa mga Israelita at sabihin ko sa kanila na ang Diyos ng kanilang mga ninuno ang nagpadala sa akin upang iligtas sila, at magtanong sila sa akin, ‘Ano ang pangalan niya?’ Ano po ang isasagot ko sa kanila?”

14Sumagot ang Diyos kay Moises, “Ako ay Ako. Ito ang isagot mo sa kanila: ‘Ako ay Ako ang nagpadala sa akin.’ ”

15Sinabi pa ng Diyos kay Moises, “Sabihin mo ito sa mga Israelita: ‘Ang Panginoon, ang Diyos ng inyong mga ninuno na sina Abraham, Isaac, at Jacob, ang nagpadala sa akin sa inyo.’ Ito ang aking pangalang magpakailanman na itatawag sa akin ng lahat ng mga salinlahi.

16“Ngayon humayo ka at tipunin ang mga pinuno ng Israel at sabihin mo sa kanila, ‘Ang Panginoon, ang Diyos ng inyong mga ninuno na sina Abraham, Isaac, at Jacob ay nagpakita sa akin, at nagsabi na: Binabantayan ko kayo, at nakita ko ang ginagawa ng mga Ehipsiyo sa inyo.

17Nangako ako na palalabasin ko kayo sa Ehipto kung saan naghihirap kayo, at dadalhin sa maganda at masaganang lupain: ang lupain ng mga Cananeo, Heteo, Amoreo, Perezeo, Heveo at mga Jebuseo.’

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.