Exodus 3

“Ngayon humayo ka at tipunin ang mga pinuno ng Israel at sabihin mo sa kanila, ‘Ang Panginoon, ang Diyos ng inyong mga ninuno na sina Abraham, Isaac, at Jacob ay nagpakita sa akin, at nagsabi na: Binabantayan ko kayo, at nakita ko ang ginagawa ng mga Ehipsiyo sa inyo.

Exodus 3:16 (UKJV) Go, and gather the elders of Israel together, and say unto them, The LORD God of your fathers, the God of Abraham, of Isaac, and of Jacob, appeared unto me, saying, I have surely visited you, and seen that which is done to you in Egypt:

14Sumagot ang Diyos kay Moises, “Ako ay Ako. Ito ang isagot mo sa kanila: ‘Ako ay Ako ang nagpadala sa akin.’ ”

15Sinabi pa ng Diyos kay Moises, “Sabihin mo ito sa mga Israelita: ‘Ang Panginoon, ang Diyos ng inyong mga ninuno na sina Abraham, Isaac, at Jacob, ang nagpadala sa akin sa inyo.’ Ito ang aking pangalang magpakailanman na itatawag sa akin ng lahat ng mga salinlahi.

16“Ngayon humayo ka at tipunin ang mga pinuno ng Israel at sabihin mo sa kanila, ‘Ang Panginoon, ang Diyos ng inyong mga ninuno na sina Abraham, Isaac, at Jacob ay nagpakita sa akin, at nagsabi na: Binabantayan ko kayo, at nakita ko ang ginagawa ng mga Ehipsiyo sa inyo.

17Nangako ako na palalabasin ko kayo sa Ehipto kung saan naghihirap kayo, at dadalhin sa maganda at masaganang lupain: ang lupain ng mga Cananeo, Heteo, Amoreo, Perezeo, Heveo at mga Jebuseo.’

18“Pakikinggan ka ng mga pinuno ng Israel. At pagkatapos, pumunta kayo ng mga pinuno ng Israel sa hari ng Ehipto, at sabihin sa kanya, ‘Nagpakita sa amin ang Panginoon, ang Diyos ng mga Hebreo. Kaya kung maaari, payagan nʼyo kaming umalis nang tatlong araw papunta sa disyerto upang maghandog sa Panginoon naming Diyos.’

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.