16“Ngayon humayo ka at tipunin ang mga pinuno ng Israel at sabihin mo sa kanila, ‘Ang Panginoon, ang Diyos ng inyong mga ninuno na sina Abraham, Isaac, at Jacob ay nagpakita sa akin, at nagsabi na: Binabantayan ko kayo, at nakita ko ang ginagawa ng mga Ehipsiyo sa inyo.
17Nangako ako na palalabasin ko kayo sa Ehipto kung saan naghihirap kayo, at dadalhin sa maganda at masaganang lupain: ang lupain ng mga Cananeo, Heteo, Amoreo, Perezeo, Heveo at mga Jebuseo.’
18“Pakikinggan ka ng mga pinuno ng Israel. At pagkatapos, pumunta kayo ng mga pinuno ng Israel sa hari ng Ehipto, at sabihin sa kanya, ‘Nagpakita sa amin ang Panginoon, ang Diyos ng mga Hebreo. Kaya kung maaari, payagan nʼyo kaming umalis nang tatlong araw papunta sa disyerto upang maghandog sa Panginoon naming Diyos.’
19Ngunit alam kong hindi kayo papayagan ng hari ng Ehipto maliban na lang kung mapipilitan siya.
20Kaya parurusahan ko ang mga Ehipsiyo sa pamamagitan ng mga kababalaghang gagawin ko sa kanila. At pagkatapos noon, papayagan na niya kayong umalis.