Exodus 30

Sa tuwing papasok sila sa Toldang Tipanan, kailangan nilang maghugas upang hindi sila mamatay. Gayundin, sa tuwing lalapit sila sa altar para mag-alay sa akin ng handog na pagkain sa akin,

Exodus 30:20 (UKJV) When they go into the tabernacle of the congregation, they shall wash with water, that they die not; or when they come near to the altar to minister, to burn offering made by fire unto the LORD:

18“Gumawa ka ng tansong planggana na tanso rin ang patungan, upang gamiting hugasan. Ilagay mo ito sa gitna ng Tabernakulo at ng altar, at lagyan ito ng tubig.

19Ito ang gagamitin ni Aaron at ng mga anak niya sa paghuhugas ng mga kamay at paa nila.

20Sa tuwing papasok sila sa Toldang Tipanan, kailangan nilang maghugas upang hindi sila mamatay. Gayundin, sa tuwing lalapit sila sa altar para mag-alay sa akin ng handog na pagkain sa akin,

21kailangan nilang maghugas ng mga kamay at paa nila upang hindi sila mamatay. Ito ay tuntuning panghabang-panahon na dapat sundin ni Aaron at ng angkan niya hanggang sa susunod pang mga henerasyon nila.”

22Sinabi ng Panginoon kay Moises,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.