Exodus 30

“Gumawa ka ng tansong planggana na tanso rin ang patungan, upang gamiting hugasan. Ilagay mo ito sa gitna ng Tabernakulo at ng altar, at lagyan ito ng tubig.

Exodus 30:18 (UKJV) You shall also make a vessel that holds water of brass, and his foot also of brass, to wash likewise: and you shall put it between the tabernacle of the congregation and the altar, and you shall put water therein.

16Tanggapin mo ang pantubos na bayad na ito mula sa kanila at gamitin mo para sa mga pangangailangan sa Tabernakulo. Ang bayad na ito ng mga Israelita ay pantubos sa kanilang buhay, at sa pamamagitan nitoʼy aalalahanin ko sila.”

17Sinabi ng Panginoon kay Moises,

18“Gumawa ka ng tansong planggana na tanso rin ang patungan, upang gamiting hugasan. Ilagay mo ito sa gitna ng Tabernakulo at ng altar, at lagyan ito ng tubig.

19Ito ang gagamitin ni Aaron at ng mga anak niya sa paghuhugas ng mga kamay at paa nila.

20Sa tuwing papasok sila sa Toldang Tipanan, kailangan nilang maghugas upang hindi sila mamatay. Gayundin, sa tuwing lalapit sila sa altar para mag-alay sa akin ng handog na pagkain sa akin,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.