Exodus 30

Tanggapin mo ang pantubos na bayad na ito mula sa kanila at gamitin mo para sa mga pangangailangan sa Tabernakulo. Ang bayad na ito ng mga Israelita ay pantubos sa kanilang buhay, at sa pamamagitan nitoʼy aalalahanin ko sila.”

Exodus 30:16 (UKJV) And you shall take the atonement money of the children of Israel, and shall appoint it for the service of the tabernacle of the congregation; that it may be a memorial unto the children of Israel before the LORD, to make an atonement for your souls.

14Ang lahat ng may edad na dalawampu pataas ang maghahandog nito sa akin.

15Hindi magbabayad ng sobra ang mga mayayaman, at hindi magbabayad ng kulang ang mga mahihirap kapag maghahandog kayo sa akin upang ipantubos sa inyong mga buhay.

16Tanggapin mo ang pantubos na bayad na ito mula sa kanila at gamitin mo para sa mga pangangailangan sa Tabernakulo. Ang bayad na ito ng mga Israelita ay pantubos sa kanilang buhay, at sa pamamagitan nitoʼy aalalahanin ko sila.”

17Sinabi ng Panginoon kay Moises,

18“Gumawa ka ng tansong planggana na tanso rin ang patungan, upang gamiting hugasan. Ilagay mo ito sa gitna ng Tabernakulo at ng altar, at lagyan ito ng tubig.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.