Exodus 30

Hindi magbabayad ng sobra ang mga mayayaman, at hindi magbabayad ng kulang ang mga mahihirap kapag maghahandog kayo sa akin upang ipantubos sa inyong mga buhay.

Exodus 30:15 (UKJV) The rich shall not give more, and the poor shall not give less than half a shekel, when they give an offering unto the LORD, to make an atonement for your souls.

13Ang ibabayad ng bawat isang mabibilang mo ay isang maliit na pilak ayon sa pamantayan ng Tabernakulo. (Ang timbang nito ay dapat anim na gramo.) Ibibigay nila ito bilang handog sa akin.

14Ang lahat ng may edad na dalawampu pataas ang maghahandog nito sa akin.

15Hindi magbabayad ng sobra ang mga mayayaman, at hindi magbabayad ng kulang ang mga mahihirap kapag maghahandog kayo sa akin upang ipantubos sa inyong mga buhay.

16Tanggapin mo ang pantubos na bayad na ito mula sa kanila at gamitin mo para sa mga pangangailangan sa Tabernakulo. Ang bayad na ito ng mga Israelita ay pantubos sa kanilang buhay, at sa pamamagitan nitoʼy aalalahanin ko sila.”

17Sinabi ng Panginoon kay Moises,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.