Exodus 30

Ang ibabayad ng bawat isang mabibilang mo ay isang maliit na pilak ayon sa pamantayan ng Tabernakulo. (Ang timbang nito ay dapat anim na gramo.) Ibibigay nila ito bilang handog sa akin.

Exodus 30:13 (UKJV) This they shall give, every one that passes among them that are numbered, half a shekel after the shekel of the sanctuary: (a shekel is twenty gerahs:) an half shekel shall be the offering of the LORD.

11Pagkatapos, sinabi ng Panginoon kay Moises,

12“Kapag isesensus mo ang mga mamamayan ng Israel, ang bawat mabibilang ay magbabayad sa akin para sa buhay niya, upang walang kapahamakang dumating sa kanya habang binibilang mo sila.

13Ang ibabayad ng bawat isang mabibilang mo ay isang maliit na pilak ayon sa pamantayan ng Tabernakulo. (Ang timbang nito ay dapat anim na gramo.) Ibibigay nila ito bilang handog sa akin.

14Ang lahat ng may edad na dalawampu pataas ang maghahandog nito sa akin.

15Hindi magbabayad ng sobra ang mga mayayaman, at hindi magbabayad ng kulang ang mga mahihirap kapag maghahandog kayo sa akin upang ipantubos sa inyong mga buhay.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.