Exodus 31

Ito ay magiging tanda sa akin at sa mga Israelita magpakailanman. Dahil sa loob ng anim na araw, nilikha ko ang langit at ang lupa, at sa ikapitong araw ay nagpahinga ako.”

Exodus 31:17 (UKJV) It is a sign between me and the children of Israel for ever: for in six days the LORD made heaven and earth, and on the seventh day he rested, and was refreshed.

15Gawin ninyo ang mga gawain nʼyo sa loob ng anim na araw, pero sa ikapitong araw ay magpahinga kayo. Sapagkat banal ang araw na ito para sa akin, papatayin ang sinumang gagawa sa araw na ito.

16Dapat ipapangilin ng mga Israelita ang Araw ng Pamamahinga at ipagdiwang ito hanggang sa susunod pang mga henerasyon bilang isang walang hanggang kasunduan.

17Ito ay magiging tanda sa akin at sa mga Israelita magpakailanman. Dahil sa loob ng anim na araw, nilikha ko ang langit at ang lupa, at sa ikapitong araw ay nagpahinga ako.”

18Pagkatapos ng pakikipag-usap ng Panginoon kay Moises sa Bundok ng Sinai, ibinigay niya kay Moises ang dalawang malalapad na bato ng kanyang mga kautusan na isinulat mismo ng kanyang mga daliri.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.