Exodus 31

Dapat ipapangilin ng mga Israelita ang Araw ng Pamamahinga at ipagdiwang ito hanggang sa susunod pang mga henerasyon bilang isang walang hanggang kasunduan.

Exodus 31:16 (UKJV) Wherefore the children of Israel shall keep the sabbath, to observe the sabbath throughout their generations, for a perpetual covenant.

14“Dapat ninyong ipangilin ang Araw ng Pamamahinga dahil banal ang araw na ito para sa inyo. Ang sinumang lalapastangan nito ay dapat patayin. Ang sinumang gagawa ng anumang gawain sa araw na iyon ay ititiwalag sa inyong sambayanan.

15Gawin ninyo ang mga gawain nʼyo sa loob ng anim na araw, pero sa ikapitong araw ay magpahinga kayo. Sapagkat banal ang araw na ito para sa akin, papatayin ang sinumang gagawa sa araw na ito.

16Dapat ipapangilin ng mga Israelita ang Araw ng Pamamahinga at ipagdiwang ito hanggang sa susunod pang mga henerasyon bilang isang walang hanggang kasunduan.

17Ito ay magiging tanda sa akin at sa mga Israelita magpakailanman. Dahil sa loob ng anim na araw, nilikha ko ang langit at ang lupa, at sa ikapitong araw ay nagpahinga ako.”

18Pagkatapos ng pakikipag-usap ng Panginoon kay Moises sa Bundok ng Sinai, ibinigay niya kay Moises ang dalawang malalapad na bato ng kanyang mga kautusan na isinulat mismo ng kanyang mga daliri.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.