Exodus 31

“Dapat ninyong ipangilin ang Araw ng Pamamahinga dahil banal ang araw na ito para sa inyo. Ang sinumang lalapastangan nito ay dapat patayin. Ang sinumang gagawa ng anumang gawain sa araw na iyon ay ititiwalag sa inyong sambayanan.

Exodus 31:14 (UKJV) All of you shall keep the sabbath therefore; for it is holy unto you: every one that defiles it shall surely be put to death: for whosoever does any work therein, that soul shall be cut off from among his people.

12Iniutos ng Panginoon kay Moises

13na sabihin niya ito sa mga Israelita, “Huwag ninyong kaligtaang ipangilin ang Araw ng Pamamahinga dahil isa itong tanda ng kasunduan natin hanggang sa susunod pang mga henerasyon. Sa pamamagitan nito, malalaman ninyo na ako ang Panginoon na nagpabanal sa inyo.

14“Dapat ninyong ipangilin ang Araw ng Pamamahinga dahil banal ang araw na ito para sa inyo. Ang sinumang lalapastangan nito ay dapat patayin. Ang sinumang gagawa ng anumang gawain sa araw na iyon ay ititiwalag sa inyong sambayanan.

15Gawin ninyo ang mga gawain nʼyo sa loob ng anim na araw, pero sa ikapitong araw ay magpahinga kayo. Sapagkat banal ang araw na ito para sa akin, papatayin ang sinumang gagawa sa araw na ito.

16Dapat ipapangilin ng mga Israelita ang Araw ng Pamamahinga at ipagdiwang ito hanggang sa susunod pang mga henerasyon bilang isang walang hanggang kasunduan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.