Exodus 31

na sabihin niya ito sa mga Israelita, “Huwag ninyong kaligtaang ipangilin ang Araw ng Pamamahinga dahil isa itong tanda ng kasunduan natin hanggang sa susunod pang mga henerasyon. Sa pamamagitan nito, malalaman ninyo na ako ang Panginoon na nagpabanal sa inyo.

Exodus 31:13 (UKJV) Speak you also unto the children of Israel, saying, Verily my sabbaths all of you shall keep: for it is a sign between me and you throughout your generations; that all of you may know that I am the LORD that does sanctify you.

11ang langis na pamahid at ang mabangong insenso para sa Banal na Lugar. “Gagawin nila itong lahat ayon sa iniutos ko sa iyo.”

12Iniutos ng Panginoon kay Moises

13na sabihin niya ito sa mga Israelita, “Huwag ninyong kaligtaang ipangilin ang Araw ng Pamamahinga dahil isa itong tanda ng kasunduan natin hanggang sa susunod pang mga henerasyon. Sa pamamagitan nito, malalaman ninyo na ako ang Panginoon na nagpabanal sa inyo.

14“Dapat ninyong ipangilin ang Araw ng Pamamahinga dahil banal ang araw na ito para sa inyo. Ang sinumang lalapastangan nito ay dapat patayin. Ang sinumang gagawa ng anumang gawain sa araw na iyon ay ititiwalag sa inyong sambayanan.

15Gawin ninyo ang mga gawain nʼyo sa loob ng anim na araw, pero sa ikapitong araw ay magpahinga kayo. Sapagkat banal ang araw na ito para sa akin, papatayin ang sinumang gagawa sa araw na ito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.