9ang altar na pagsusunugan ng mga handog na sinusunog at ang lahat ng kagamitan nito, ang planggana at ang patungan nito,
10ang banal at magandang damit ni Aaron at ng mga anak niya na isusuot nila kapag naglilingkod na sila bilang mga pari,
11ang langis na pamahid at ang mabangong insenso para sa Banal na Lugar. “Gagawin nila itong lahat ayon sa iniutos ko sa iyo.”
12Iniutos ng Panginoon kay Moises
13na sabihin niya ito sa mga Israelita, “Huwag ninyong kaligtaang ipangilin ang Araw ng Pamamahinga dahil isa itong tanda ng kasunduan natin hanggang sa susunod pang mga henerasyon. Sa pamamagitan nito, malalaman ninyo na ako ang Panginoon na nagpabanal sa inyo.