Exodus 32

Nang malapit na si Moises sa kampo, nakita niya ang guya at sayawan, kaya nag-apoy ang galit niya. Inihagis niya ang malalapad na batong dala niya, at nabasag ang mga ito sa paanan ng bundok.

Exodus 32:19 (UKJV) And it came to pass, as soon as he came nigh unto the camp, that he saw the calf, and the dancing: and Moses' anger waxed hot, and he cast the tables out of his hands, and brake them beneath the mount.

17Nang marinig ni Josue ang kaguluhan ng mga tao, sinabi niya kay Moises, “Parang may ingay ng digmaan sa kampo.”

18Sumagot si Moises, “Hindi ingay ng digmaan ang naririnig ko kundi ingay ng mga awitan.”

19Nang malapit na si Moises sa kampo, nakita niya ang guya at sayawan, kaya nag-apoy ang galit niya. Inihagis niya ang malalapad na batong dala niya, at nabasag ang mga ito sa paanan ng bundok.

20Pagkatapos, kinuha niya ang guya na ginawa nila at sinunog ito. Dinurog niya ito nang pinong-pino at inihalo sa tubig, at ipinainom sa mga mamamayan ng Israel.

21Sinabi ni Moises kay Aaron, “Ano ba ang ginawa ng mga tao sa iyo at pinabayaan mo silang magkasala?”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.