18Sumagot si Moises, “Hindi ingay ng digmaan ang naririnig ko kundi ingay ng mga awitan.”
19Nang malapit na si Moises sa kampo, nakita niya ang guya at sayawan, kaya nag-apoy ang galit niya. Inihagis niya ang malalapad na batong dala niya, at nabasag ang mga ito sa paanan ng bundok.
20Pagkatapos, kinuha niya ang guya na ginawa nila at sinunog ito. Dinurog niya ito nang pinong-pino at inihalo sa tubig, at ipinainom sa mga mamamayan ng Israel.
21Sinabi ni Moises kay Aaron, “Ano ba ang ginawa ng mga tao sa iyo at pinabayaan mo silang magkasala?”
22Sumagot si Aaron, “Huwag po kayong magalit sa akin. Alam nʼyo kung gaano sila kadaling gumawa ng kasamaan.