Exodus 32

Tinipon ni Aaron ang mga ito, tinunaw at hinugis na diyos-diyosang kaanyo ng guya. Sinabi ng mga Israelita, “Ito ang diyos natin na naglabas sa atin sa Ehipto.”

Exodus 32:4 (UKJV) And he received them at their hand, and fashioned it with a graving tool, after he had made it a molten calf: and they said, These be your gods, O Israel, which brought you up out of the land of Egypt.

2Sumagot si Aaron, “Kunin nʼyo ang mga hikaw na ginto na suot ng mga asawaʼt anak ninyo, at dalhin ninyo sa akin.”

3Kaya kinuha nilang lahat ang gintong mga hikaw at dinala ito kay Aaron.

4Tinipon ni Aaron ang mga ito, tinunaw at hinugis na diyos-diyosang kaanyo ng guya. Sinabi ng mga Israelita, “Ito ang diyos natin na naglabas sa atin sa Ehipto.”

5Pagkakita ni Aaron na sumaya ang mga tao, nagpagawa siya ng altar sa harap ng baka at ipinaalam sa kanila, “Bukas, magdaraos tayo ng pista para sa karangalan ng Panginoon.”

6Kaya kinaumagahan, maagang bumangon ang mga tao at nag-alay ng mga handog na sinusunog at handog pangkapayapaan. Pagkatapos, umupo sila upang kumain at uminom, at tumayo upang magpakasaya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.