Exodus 34

Baka mapangasawa ng mga anak nʼyo ang mga anak nila, na silang magtutulak sa kanila sa pagsamba sa ibang mga diyos.

Exodus 34:16 (UKJV) And you take of their daughters unto your sons, and their daughters go a whoring after their gods, and make your sons go a whoring after their gods.

14Hindi kayo dapat magkaroon ng ibang diyos maliban sa akin. Dahil ako, ang Panginoon, Mapanibugho ang pangalan ko at ayaw kong may kaagaw sa inyong pagsamba.

15“Huwag kayong gagawa ng kasunduan sa mga taong nakatira sa lupaing iyon, dahil kapag inimbitahan nila kayo sa kanilang pagsamba at paghahandog sa kanilang mga diyos, mahikayat pa nila kayong kumain ng kanilang mga handog.

16Baka mapangasawa ng mga anak nʼyo ang mga anak nila, na silang magtutulak sa kanila sa pagsamba sa ibang mga diyos.

17“Huwag kayong gagawa ng mga diyos-diyosan.

18“Ipagdiwang ninyo ang Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa. Ayon sa iniutos ko sa inyo, kumain kayo ng tinapay na walang pampaalsa sa loob ng pitong araw. Gawin ninyo ito sa itinakdang panahon sa buwan ng Abib, dahil iyon ang buwan nang lumabas kayo ng Ehipto.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.