Exodus 34

“Akin ang lahat ng panganay na lalaki, pati ang panganay na lalaki ng mga hayop ninyo, tupa man o baka.

Exodus 34:19 (UKJV) All that opens the womb is mine; and every first born among your cattle, whether ox or sheep, that is male.

17“Huwag kayong gagawa ng mga diyos-diyosan.

18“Ipagdiwang ninyo ang Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa. Ayon sa iniutos ko sa inyo, kumain kayo ng tinapay na walang pampaalsa sa loob ng pitong araw. Gawin ninyo ito sa itinakdang panahon sa buwan ng Abib, dahil iyon ang buwan nang lumabas kayo ng Ehipto.

19“Akin ang lahat ng panganay na lalaki, pati ang panganay na lalaki ng mga hayop ninyo, tupa man o baka.

20Maaaring matubos ang panganay na lalaki ng mga asno nʼyo sa pamamagitan ng pagpapalit dito ng tupa. Ngunit kung hindi ito tutubusin, kailangang patayin ang asno sa pamamagitan ng pagbali sa leeg nito. Maaari rin ninyong matubos ang mga panganay ninyong lalaki. “Walang makakalapit sa akin na walang dalang mga handog.

21“Magtrabaho kayo sa loob ng anim na araw, pero sa ikapitong araw ay magpahinga kayo, kahit sa panahon ng pag-aararo at pag-ani.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.