Exodus 34

“Dalhin ninyo sa bahay ng Panginoon na inyong Diyos ang pinakamagandang bahagi ng una ninyong ani. “Huwag ninyong lulutuin ang batang kambing na hindi pa naaawat sa kanyang ina.”

Exodus 34:26 (UKJV) The first of the first-fruits of your land you shall bring unto the house of the LORD your God. You shall not seethe a kid in his mother's milk.

24Itataboy ko ang mga mamamayan sa lupaing ibibigay ko sa inyo, at palalawakin ko ang inyong teritoryo. At walang sasalakay o aagaw sa inyong bansa sa mga panahong humaharap kayo sa akin na Panginoon na inyong Diyos.

25“Huwag kayong maghahandog ng dugo sa akin at kahit anong may pampaalsa. Huwag din kayong magtitira para sa susunod na araw ng karne ng tupa na handog ninyo sa panahon ng Pista ng Paglampas ng Anghel.

26“Dalhin ninyo sa bahay ng Panginoon na inyong Diyos ang pinakamagandang bahagi ng una ninyong ani. “Huwag ninyong lulutuin ang batang kambing na hindi pa naaawat sa kanyang ina.”

27Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Isulat mo itong sinasabi ko, dahil ito ang tuntunin ng kasunduan ko sa iyo at sa Israel.”

28Naroon si Moises kasama ng Panginoon sa loob ng apatnapung araw at apatnapung gabi na wala siyang kinain at ininom. Isinulat niya sa malalapad na bato ang mga tuntunin ng kasunduan, ang Sampung Utos.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.