10“Lumapit ang lahat ng may kakayahang magtrabaho sa inyo at tumulong sa paggawa ng lahat ng bagay na iniutos ng Panginoon na gawin ninyo:
11“ang Tabernakulo at ang mga talukbong nito, mga kawit, mga tablang balangkas, mga biga, mga haligi at mga patungan;
12ang Kahon ng Kasunduan at ang mga tukod na pambuhat, takip ng kapatawaran at kurtinang tabing nito;
13ang mesa at ang mga tukod na pambuhat at ang lahat ng kagamitan nito, at ang tinapay na inihahandog sa presensya ng Diyos;
14ang ilawan at mga kagamitan nito, ang mga ilaw at ang langis para sa ilawan;