12ang Kahon ng Kasunduan at ang mga tukod na pambuhat, takip ng kapatawaran at kurtinang tabing nito;
13ang mesa at ang mga tukod na pambuhat at ang lahat ng kagamitan nito, at ang tinapay na inihahandog sa presensya ng Diyos;
14ang ilawan at mga kagamitan nito, ang mga ilaw at ang langis para sa ilawan;
15ang altar na pagsusunugan ng insenso at ang mga tukod na pambuhat nito, ang langis na pamahid, ang mabangong insenso, ang kurtina ng pintuan ng Tolda;
16ang altar na pagsusunugan ng mga handog na sinusunog at ang parilyang tanso, mga tukod na pambuhat at ang lahat ng kagamitan nito, ang tansong planggana at ang patungan nito;