27Nagdala ang mga pinuno ng mga batong onise at iba pang mamahaling bato upang ilagay sa efod at sa pektoral.
28Nagdala rin sila ng mga sangkap at langis ng olibo para sa ilaw, para sa langis na pamahid at pabango sa insenso.
29Kaya ang lahat ng mga Israelita, lalaki man o babae, na gustong tumulong sa lahat ng gawain na iniutos ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises ay kusang-loob na nagdala ng mga handog sa Panginoon.
30Sinabi ni Moises sa mga Israelita, “Pinili ng Panginoon si Bezalel, na anak ni Uri at apo ni Hur, na mula sa lahi ni Juda.
31Pinuspos siya ng Espiritu ng Diyos at binigyan ng kakayahan, kahusayan at katalinuhan sa anumang gawain,