5Maghandog kayo sa Panginoon mula sa mga ari-arian ninyo. Maghandog nang maluwag sa inyong puso ng mga: “ginto, pilak, tanso,
6lanang kulay asul, ube at pula, pinong lino, telang gawa sa balahibo ng kambing,
7balat ng lalaking tupa na kinulayan ng pula, magandang klase ng balat, kahoy na akasya,
8langis ng olibo para sa ilaw, mga sangkap sa langis na pamahid at pabango sa insenso,
9batong onise at iba pang mamahaling bato na ilalagay efod at sa pektoral.