20Pagkatapos, gumawa sila ng balangkas ng Tolda. Ang ginamit nila ay tabla ng akasya.
21Ang haba ng bawat tabla ay labinlimang talampakan at dalawang talampakan ang lapad.
22Ang bawat tabla ay nilagyan ng dalawang mitsa upang maidugtong ito sa isa pang tabla. Ganito ang ginawa nila sa bawat tabla.
23Ang dalawampu sa tablang ito ay ginamit nila na pangbalangkas sa timog na bahagi ng Tolda.
24Ang mga tabla ay isinuksok nila sa apatnapung patungang pilak, dalawang patungan sa bawat tabla.