25Ang hilagang bahagi ng Tolda ay ginamitan din ng dalawampung tabla,
26at isinuksok din sa apatnapung patungang pilak, dalawang patungan sa bawat tabla.
27Ang kanlurang bahagi ng Tolda ay ginamitan nila ng anim na tabla,
28at dalawang tabla sa mga gilid nito.
29Ang mga tabla sa sulok ay naikabit nang maayos mula sa ilalim hanggang sa itaas sa pamamagitan ng isang argolya. Ganito rin ang ginawa nila sa dalawang tabla sa mga sulok.