Exodus 36

Kayaʼt iniwan ng mga manggagawa na gumagawa sa lahat ng mga gawain sa Tolda ang kanilang mga ginagawa.

Exodus 36:4 (UKJV) And all the wise men, that wrought all the work of the sanctuary, came every man from his work which they made;

2Kaya ipinatawag ni Moises sina Bezalel, Oholiab at ang iba pang binigyan ng Panginoon ng kaalaman at kakayahan sa ibaʼt ibang gawain na desididong tumulong sa pagtatrabaho.

3Ibinigay ni Moises sa kanila ang lahat ng inihandog ng mga Israelita para sa pagpapatayo ng Tolda. At patuloy pa rin ang kusang-loob na pagdadala ng mga tao ng mga handog nila tuwing umaga.

4Kayaʼt iniwan ng mga manggagawa na gumagawa sa lahat ng mga gawain sa Tolda ang kanilang mga ginagawa.

5Nagpunta sila kay Moises at ibinalita, “Sobra na sa kinakailangan ang dinadala ng mga tao para sa gawaing iniutos ng Panginoon na gawin.”

6Kaya ipinadala ni Moises ang utos na ito sa buong kampo: “Huwag na kayong maghandog para sa pagpapatayo ng Tolda.” Kaya tumigil na ang mga tao sa pagdadala ng mga handog nila,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.