5Nagpunta sila kay Moises at ibinalita, “Sobra na sa kinakailangan ang dinadala ng mga tao para sa gawaing iniutos ng Panginoon na gawin.”
6Kaya ipinadala ni Moises ang utos na ito sa buong kampo: “Huwag na kayong maghandog para sa pagpapatayo ng Tolda.” Kaya tumigil na ang mga tao sa pagdadala ng mga handog nila,
7dahil sobra-sobra na ang ibinigay nila para sa lahat ng gawain.
8Ang lahat ng pinakamahusay na mga manggagawa ang gumawa sa Tabernakulo. Ang ginamit nilaʼy sampung piraso ng tabing na gawa sa hinabing pinong lino at lanang asul, ube at pula na binurdahan ng kerubin ng mga mahuhusay na mambuburda.
9Magkakasukat ang lahat ng mga tabing, apatnapuʼt dalawa talampakan ang haba at anim na talampakan ang lapad.