7dahil sobra-sobra na ang ibinigay nila para sa lahat ng gawain.
8Ang lahat ng pinakamahusay na mga manggagawa ang gumawa sa Tabernakulo. Ang ginamit nilaʼy sampung piraso ng tabing na gawa sa hinabing pinong lino at lanang asul, ube at pula na binurdahan ng kerubin ng mga mahuhusay na mambuburda.
9Magkakasukat ang lahat ng mga tabing, apatnapuʼt dalawa talampakan ang haba at anim na talampakan ang lapad.
10Pinagdudugtong-dugtong nila ito ng tiglilima.
11Ginawan nila ng parang singsing na gawa sa telang asul ang pinakadulong gilid ng bawat pinagdugtong na tabing,